Salbaheng hipag na hilaw

Dear Vanezza,

Hindi ko na matiis ang hipag kong hilaw dahil kabit lang naman siya ng kuya ko. Bait-baitan kapag kaharap ang utol ko. Pero nalaman kong tinitsismis kami sa iba. Tapos kapag nanghingi ng pera ang tatay ko na pinapa-message  sa akin hindi ay naka-seen, pero hindi mabasa ni kuya dahil binubura ng salbahe kong hipag. Namumuro na siya sa akin. Ano ba upakan ko na ba? – Lheng

Dear Lheng,

Bakit hindi mo sabihin sa kuya mo para sila ang mag-usap at nang hindi mabahiran ang kamay mo dahil lang sa walang kuwenta mong hilaw na hipag. Hindi rin dapat pinag-aaksayahan ng oras ang ganyang tao na takot sa sarili niyang multo na baka mawala ang kuya mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments