Walang perfect na araw dahil hindi maiwasan na nahaharap sa mga obstacles ng maghapon. Kapag nagkataon na may hamon na sitwasyon ay mas mainam na magpokus sa benepisyong puwedeng malaman o matutunan gaano man ito kaliit na parang hindi importante sa paningin.
Kung ma-stuck sa trapik ay samantalahin ang makinig ng music sa radyo o mga paboritong kanta sa iTunes. Kung walang mabilhan na pagkain na gustong lutuin o ihahanda, bakit hindi subukan ang ibang putahe na available ang sangkap na gustong tikman noon pa man.
Payagan ang sarili na makaranasan ng mga nakakatawang pangyayari kahit pa ito ay sa gitna ng pangit o mahirap na sitwasyon. Ipaalala sa sarili na ang nangyaring nakakaaliw na bagay ay puwedeng pagtawanan na lamang saka ikuwento sa pamilya o kaibigan pag-uwi ng bahay. Ito ay para makapag-relax, imbes na maghanap ng negatibong bagay.