Payo ni Lao Tzu na ingatan ang iisipin na nagiging salita. Bantayan ang mga words na nagiging action. Pigilin ang actions na nagiging habits. Baguhin ang habits na nagiging character. Tingnan ang character na nagiging destiny.
Ang bawat isa sa tao ay mayroong mensahe na naglalaro nang paulit-ulit sa ating isipan. Ang internal dialogue, personal na komentaryo, impluwensya ng ating salita, aksyon, habits, at relasyon na siyang nangyayari sa ating buhay. Maaaring mahirap pigilan ang negatibong bagay na patuloy na umiikot sa ating brain na hindi madaling mabago. Pero magkaroon ng pasensya sa iyong sarili na obserbahan muna ang pattern ng iyong iniisip.
Tingnan kung hinuhusgahan mo na ang ibang tao, nagpopokus sa kabiguan, nagrereklamo sa trabaho, at pinipintasan ang sarili o ang iyong katawan.
Sa tuwing mayroong ganitong pag-iisip, pilitin na labanan ang negatibong pag-iisip ng mas maraming positibong obserbasyon o gratitude. Mag-isip ng maraming hakbang upang mabaling ang mga pangit na pananaw sa mas magandang idea.