Isa sa paboritong itinuturo sa school ay ang pagpapakita ng bad apples. Sa simula ng taon ay nagdadala ng dalawang pirasong mansanas si teacher sa classroom na magaganda at shiny na tinatawag na “good apples”. Meron din isa pang set na dalawang apples na mukhang maganda, pero mayroong galos.
Ang dalawang mansanas na sira ay representative ng mga buddies na hindi dapat samahan sabi ni teacher. Mayroong bahagi ng kanilang buhay na laging nakikipag-compromise. Ang good apples ay katulad ng lahat teenager o indibidwal na mabubuti, maaaring hindi nakikita ang sirang bahagi ng ibang apple. Pero dahil sa pagsama na pinaghalong good apples sa ibang mansanas na may tama sa iisang plastic bag na inilagay sa isang closet; pagkalipas ng ilang araw, muling tinitingnan ang mansanas, sa malas ay nawala na ang sariwang apples na nakasama nang nabulok.
Ang mga kaibigan ng mga bata ang siyang nag-iimpluwensiya ng pagiging good or bad ng anak. Kaya kailangan maging fruit inspector ang mga magulang upang tulungan ang anak na mai-spot ang mga bad apples na hamunin silang mag-build ng friendship sa mga mabubuting kaibigan.