Tips para hindi masayang ang herbs

Hindi dapat mawala sa kusina ng herbs at spices dahil ito ang nagpapadagdag ng sarap at aroma sa bawat lutuin.

Ang problema, madali itong malanta kahit pa inilagay sa ref. Pero alam niyo ba na maraming paraan upang ‘wag itong masayang? Mula sa fresh herbs, pwede natin itong patuyuin sa pamamagitan ng microwave.

Ang thyme, oregano, at rosemary ang kadalasang ginagamit na herbs sa pagluluto. Para hindi masayang ang fresh herbs na tira, maaaring patuyuin ito sa microwave oven.

Ilatag lang ng hiwa-hiwalay ang herbs na gustong patuyuin sa isang piraso ng tissue paper. Siguraduhing may mga espasyo ang bawat isa para pantay ang pagkakatuyo. Painitin ang herbs sa microwave at bali-baligtarin ito kada-20 segundo hanggang sa matuyot.

Malalamang sakto na ang pagkatuyo ng herbs kung madali nang malagas sa tangkay ang mga ito. Sa kaso naman ng oregano, nadudurog ito.

Show comments