* Kung papalitan ang lyrics, kailangan mo rin baguhin ang history ng ‘Pinas. Kailan pa naging “defeatist” ang linya na “ang mamatay ng dahil sa iyo”. Ang defeatist na ang ibig sabihin ay suko ka na agad hindi pa man nagsisimula ang laban; na tanggapin na madaling magapi o matalo. Ang kamatayan ay simbolo ng malalim na pag-ibig at katapangan sa bayan. Kaysa gawin itong “ang ipaglaban ang kalayaan mo”. – Jhoy, Malabon
* Ang panukala ni Tito Sen grabe ah nakakainit ng bangs. Para bang malaki ang maitutulong sa bayan samantalang mas malaking gastos kung babaguhin ang kasaysayan. Pati ang mga nakasulat sa libro. – Georgina, Manila
* Asus, bakit hindi na lang pag-isipan ang solusyon sa trapik at pagtaas ng bilihin. Matutuwa pa ang mga Pinoy. Pag-isipan kung paano mapapagaan ang buhay ng mga mamamayan, kaysa unahin pa ang lyrics na hindi naman dapat pakialaman.
* Hindi lang lyrics ang mababago kung sakaling papalitan ang nasabing linya, kundi pati areglo at beats ng part na iyon ah. Hindi swak yung lyrics na gustong ipalit noh. Sige kantahin n’yo “ang ipaglaban ang kalayaan mo”. Puwede man, pero weirdo pakinggan ‘di ba? – Phey, Makati
* Nakakasakit ng damdamin, hindi ba niya alam na ang lyrics na “ang mamatay ng dahil sa iyo” ay nananalaytay na sa kaibuturan at dumadaloy sa dugo ng pagkatao ng mga Pinoy mula sa mga ninuno at sa mga susunod pang na henerasyon ng bayan ni Juan?! – Filipinas, Batangas