Isang teenager sa Indonesia ang nakarating sa bansang Guam sakay lamang ang isang balsa. Ang balsa na iyon ay gamit nila sa panghuhuli ng isda, iniiwanan nila ito sa laot at babalikan na lang kapag may mga nahuli na.
Sakto namang kukuha na ito ng mga nahuling isda ng araw na iyon, pero dahil sa lakas ng hangin, naputol ang tali na nagdudugtong papuntang pampang. Naiwan ang teenager sa balsa na hindi alam ang gagawin.
Lumipas na ang mga araw pero wala pa rin siyang nahihingan ng tulong. Binabasa lang niya ang kanyang damit gamit ang tubig dagat para makainom. Iniihaw din niya ang mga nahuhuling isda gamit ang konting kagamitang naiwan sa balsa.
Halos sampung barko na raw ang nakalampas sa kanya pero ni-isa ay walang nakakita sa kanya.
Nasagip lamang siya ng mapunta na sa Guam at masuwerteng may barko nang nag-rescue sa kanya.
Ligtas na ang binata at tinulungan siyang makauwi ng kapitan ng barko.