Lalaki pinasakan ng talong ang sarili para makadumi

Sa kagustuhan ng isang lalaki sa China na maka­pagbawas na, nilagyan niya ng talong ang mismong puwet para mapabilis ang kanyang pagdumi. Sa ‘di inaasahang pangyayari, na-stuck ang nasabing talong sa loob niya kaya naman imbes na makadumi, lalo pang lumala ang kanyang sitwasyon.

Dahil sa hiya, tumagal ng dalawang araw bago siya pumunta sa doktor at ipasuri ang nangyari.

Nahirapan ang mga doktor na tanggalin ang talong dahil umakyat na ito sa kanyang intestine, kinailangan pang sumailalim sa napakatagal na proseso ng operasyon bago ito matanggal ng tuluyan.

Bukod pa sa nangyaring ito sa kanya, natuklasan din ng mga doktor na nakakaranas ito ng lung inflammation at hirap sa pagdumi bago mangyari ang insidente.

Kumalat ang balitang ito sa buong Chinese social media at may nagbiro pang isang netizen na sana raw ay sinabayan na ng lalaki ng patatas at paminta para makagawa na ito ng Chinese dish na ‘Di san xian’.

Samantala, matagumpay na nakuha ang talong sa loob ng lalaki at kasalukuyan na itong nagpapagaling.

Show comments