Survey ng paniniwala ng mga millennials

Mayroong research sa mga millennials na ipinanganak sa pagitan ng 1984 at 2000 na nakalulungkot na pagdating sa usapin sa pag-aasawa ay mababa ang kanilang standard na mas gusto pa ang fun, games, at premarital sex sa halip na magkaroon ng mas malalim na commitment.

Hindi rin big deal sa mga kabataan ngayon ang infidelity. Itinuturing ngayon ng mga kabataan na old fashion ang monogamy o pagkakaroon ng iisang partner. Para sa kanila, ang commitment sa isang relasyon ay pangmadalian lang na dumadarating, nawawala, at madaling palitan.

Ang mga paniniwala ng millennials ngayon ang siyang magpapamana sa mga susunod na herasyon na huhubog sa bagong civilization. Ang bilis ng pagbabago ng panahon sa nakalipas ng 30 years. Ito rin ang nagdala at nagpalit ng mga values at paniniwala ng mga millennials ngayon. Ito ay nangyari sa kabisihan ng mga magulang sa buong mundo na ang priority ang paghahanap ng pera. Sa hangad na gumanda ang trabaho, ekomoniya, makagulapay sa mga gastusin na hindi namamalayan na nagbabago na rin ang sistema ng mundo.

Kailangang ma-preserve ang pamilya at ingatan ang mga bata na isalba sa pagtuturo muli ng tamang value.

Show comments