Dear Vanezza,
Tinutukso ako ng mga classmates ko na crush daw ako ng prof namin sa P.E dahil ako lagi ako ang inuutusan at pinagtatanungan tungkol sa mga classmates namin. Nung una ay ayaw kong maniwala, pero bigla na lang nagti-text si sir kung puwede raw kaming kumain sa labas. Nandidiri ako sa pag-invite niya sa akin. Marami na akong narinig na kuwento tungkol sa pagiging playboy ng prof. namin, pero natatakot akong ibagsak niya sa subject namin kapag tinanggihan ko siya. Ano ba ang gagawin ko? – Mel
Dear Mel,
Mag-ingat sa iyong desisyon. Huwag mong burahin ang text messages ni sir at i-report sa inyong dean upang mabigyan ng action ang ginagawa ng iyong teacher. Ito ay isang paraan ng harassment na marami nang estudyante ang napahamak. Kaya mas mabuting sabihin agad sa iyong magulang para masamahan kang magsumbong sa iyong eskuwelahan. Upang makaiwas at hindi mapahamak sa ganyang modus ng mga salbahe at mapagsamantalang teacher.
Sumasainyo,
Vanezza