Pangalawang Anino (562)

ANG bundok na banal ay nagbubunyi.

Dahil sa nakuhang bagong kakampi. Na hindi basta kung sino lang. Kundi ang anak mismo ng hari ng mga demonyo.

Kaya lahat na mga halimaw sa katawan ng bundok ay nalusaw na. Hindi na babalik.

Hindi na mabubuhay.

Kuminang ang buong bundok.

Nakikita ito ng mga taong nasa malayo, nasa tawid ilog pa.

“Oo nga, e. Ngayon lang nangyayari ‘yan! Ang dami talagang kababalaghan ngayon sa mundo natin!”

“Pero iyan ang tiyak na kababalaghang mula sa Diyos! Tingnan n’yo naman ang klase ng liwanag, o!”

“Puting-puti! Nakakasiya ng puso!”

NAKANGITING ki­na­pitan ni Nanette ang kamay ni Arthur. “Pupunta tayo sa bundok na banal! May tagumpay na nagaganap doon ngayon! Gusto kong makisaya tayo!”

“Pero welcome ba talaga tayo?”

“Arturo, ano ka ba? Ikaw pa ang nagdududa sa Diyos?”

“Hindi naman sa nagdududa. Pasensya na kung naniniguro. Kanina kasi, parang may nangyayaring hindi maganda doon, sabi mo,” paalala ni Arturo.

“Hindi na, Arturo. Wala nang maghihiwalay. Wala nang masamang puwersa na mananakop ng kaluluwa. Wala na ring demonyo na mang-aakit ng mga tao. Ang ibig ko bang sabihin, God now has secured his people. Poprotektahan niya lahat na nagmamahal.”

“Kapag ikaw ang nagsalita, kahit siguro makasalanang tao ay kaya mong mapaniwala.”

“Arturo, huwag mo akong sambahin. Hindi pa ako santo. Damhin mo lang ang katotohanan sa mga sinasabi ko. Let’s go. Kumapit ka sa akin.”

Napakagandang pag­lalakbay, para na silang umaakyat sa langit. Hanggang sa narating nila ang bundok.

At sila ay ina-anticipate pala ng lahat. Naghihintay sa kanilang pagdating.

Palakpakan paglapag sa lupa nina Yawan at Arturo.

 Masayang-masaya sa bundok na banal.

Samantalang sa impiyernong wala nang apoy, ang mga mata ng hari ng demonyo ay blangko na. TATAPUSIN

 

 

 

Show comments