Dear Vanezza,
Kuwento sa akin ng nanay ko na black sheep ang tatay ko sa pamilya niya. Ang problema bilang anak ni tatay na pati ako ay damay na kinaiinisan ng lolo ko. Kahit pa may sakit na alzheimer si lolo, pero hindi niya makalimutan ang pinaggagawa ng tatay ko. Nasisira ang mood ng lolo ko tuwing nakikita niya kami ni tatay kahit wala naman kaming ginagawang masama. Pero ang masaklap wala naman akong kinalaman sa mga ginawa at desisyon ng tatay ko, kung bakit pati ako ay pinagbubuntungan ng galit ni lolo. Ano ba ang gagawin ko? Isaac
Dear Isaac,
Pagpasensiyan mo na ang iyong lolo, sabi mo nga may sakit siya. Basta patuloy na patunayan sa kanya na ikaw ay iba sa iyong tatay. Darating din ang panahon na magkakaroon ka ng pabor kay lolo, ang importante ay mahalin ito sa kanyang katandaan.
Sumasainyo,
Vanezza