Isa sa mga pinag-uusapan na nakatutulong sa pagpapapayat ang chia seeds dahil sa rami ng benepisyo nito sa katawan.
Ang chia seeds ay nagtataglay ng limang beses na mas maraming calcium kaysa gatas, seven times na mas maraming vitamin C, three times na mas maraming iron kaysa spinach, at doble ng potassium content kaysa saging.
Ang pinakamatindi, eight times na mas marami ang taglay nitong omega kaysa salmon. Bukod diyan ay nakatutulong ito sa energy at stamina. Nakakalakas din ito ng immune system.
Kahit sa mga may problema sa timbang ay nakatutulong din ito dahil nakakapayat ang pagkain ng chia seeds. Inilalagay nito sa ayos ang blood sugar levels at nakalilinis ng colon.