Ang pinagsamang strawberry at asin ay pwede ring gamitin bilang toothpaste. Gawin ito isang beses lang sa dalawang linggo para maproteksyonan ang ating tooth enamel.
Ang fresh aloe vera juice ay epektibo sa pagpapaganda ng ngipin at pagpapatibay nito. Pwede itong ipang-mumog pagkatapos magsipilyo.
Para naman sa mas healthy na ngipin, pwedeng palitan ang inyong regular toothpaste gamit ang dinurog na dahon ng basil.
Pwede mo rin itong gamitin bago ka magsipilyo kung ayaw ninyong palitan ang inyong regular routine. Ibabad lang ito ng lima hanggang 10 minuto.
Mahalaga rin ang paggamit ng mouthwash. Pwedeng subukan ang DIY mouthwash na tiyak na papuputiin ang inyong ngipin at mananatiling mabango ang inyong hininga.
Paghaluin lang ang 2 parts lemon juice at 1 part ng asin. Ipangmumog ito pagkatapos ng inyong regular na pagsisipilyo.
Mahalagang paalala: Huwag gagamitin ang mouthwash na ito kung ikaw ay may sugat/inflammations sa inyong bunganga.
May taglay na substance ang balat ng saging na nakatutulong para magtanggal ng dental plaque. Nakapagpapaputi rin ito ng ngipin. Ikuskos lang ang balat ng saging sa inyong ngipin ng limang minuto bago ito sipilyuhan.