Bad Habits na Ginagawa natin sa ating Kutis

Kung minsan, dahil sa kagustuhan nating mas gumanda at kuminis ang ating kutis ay samu’t sa­ring pampaganda ang ating pinagkakagastusan at sinusubukan. Ganun pa man, hindi pa rin tayo nakasisiguro kung talaga ngang epek­tibo ito sa ating balat. Na­rito ang ilan sa bad habits na ginagawa natin sa ating kutis na kailangan nating tigilan:

Madalas na pagga­mit ng facial scrub - Maaari nitong ma-injured ang upper layer ng ating epi­­dermis. Mas makabubuti kung gagamit ng organic facial wash.

Madalas na paggamit sa anti-wrinkle cream - Dahil sa paniniwalang matatanggal ang kulubot sa mukha, mas gumagamit na ang karamihan ng anti-wrinkle cream sa halip ng moisturizer.

Pagkain ng fast food at iba pang malalansang pagkain - Dahil dito ay mas bibilis ang pagtanda ng ating hitsura.

Mas mabuti kung kakain ng sapat na gulay at prutas na mainam para sa ating kutis.

Pagpapatuyo ng muk­ha gamit ang to­wel - Mas mainam kung patutuyuin ang mukha gamit ang social towel o hahayaan na lamang itong matuyo sa hangin.

Maaa­ring ma-irritate ng ating mukha kung gagamitin din ang kaparehong towel na ginagamit din sa ating katawan.

Show comments