Nobyo na panakip butas lang

Dear Vanezza,

Nakipag-break sa akin ang BF ko. Para malimutan ang sakit ay sinagot ko ang manliligaw ko. Ngayon nakikipagbalikan ang ex ko. Gusto kong makipaghiwalay sa Bf ko ngayon, pero nakokonsensiya ako dahil ginawa ko lang siyang panakip butas. Ano ba ang gagawin ko? - Gemini

Dear Gemini,

Huwag mo nang patagalin kundi makipaghiwalay ka na agad. Pero paano mo masisiguro na tama ang desisyong balikan ang dati mong nobyo kung ikaw mismo ang iniwan niya dati. Tandaan ang nobyo mo dati ay minsan kang sinaktan at nilayuan. Babalikan mo ba uli ang taong minsang nagwasak ng iyong puso?

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments