Ang sinigang na bagnet ay isa lamang variety ng Pinoy dish na pwedeng-pwede ninyong subukan at ipatikim sa inyong love ones.
Ang bagnet ay sikat na ilocano delicacy kung saan ang pork belly ay tinimplahan, pinakuluan ng ilang oras at saka ipinrito hanggang sa lumutong.
Walang pinipiling panahon ang pagluluto nito dahil mapatag-araw o tag-ulan ay perfect ang recipe na ito para pagsaluhan.
Ingredients:
Kalahating kilo ng bagnet
Tatlong kamatis
Isang sibuyas
1 inch luya
Siling pangsigang
Kangkong at okra
Sampaloc mix
Asin
Procedure:
Pakuluan ang kamatis, sibuyas at luya. Pagkatapos ay pwede nang ihalo ang sinigang mix at timplahan ng asin. Kapag nakuha na ang gustong asim ay maaari nang ilagay ang bagnet. Pakuluan ito ng hanggang 15 minuto at takpan para manuot ang lasa ng sinigang sa bagnet.
Sunod na ilagay ang mga gulay at sili.
I-serve kasama ang kanin.