Maraming tao na ang tingin sa saving at investment ay iisang bagay, pero hindi sila magkapareho. Ang savings ay bahagi lamang ng iyong suweldo na itinatabi para sa hinaharap na gastusin.
Samantalang ang investment ay mula sa saving na ginagawang mag-work out ang pera sa paglalagay sa ibang bagay bilang isang financial na instrumento o produkto gaya ng shares, bonds, units, property, at ilang term deposits.
Ang investment ay lumilikha ng income para sa iyo. Maaaring makakuha ng dividends kung ang investment sa shares, interest mula sa bonds o rent sa property ay kumikita. Ito ay “income gain” ng iyong investment na lumalaki ang value na puwede kahit over time lamang ay maka-jackpot kung papayagang maibenta ang naiplano at profit. Ang profit ay bilang “capital gain”. Maraming tao ang nag-i-invest para sa kanilang financial security laban sa anomang posibleng kahirapang mangyari sa hinaharap tulad ng major na health crisis, mawalan ng bahay, masunugan, at ibang hindi inaasahan. Ang pagkakaroon ng investment ay magsisilbing seguridad sa financial na problemang darating sa buhay ng pamilya.