Misis Suko na sa Iresponsableng Mister

Dear Vanezza,

Hindi ko na matiis ang mister ko na siyang naiwan na tumitingin sa dalawang anak namin. Pati ang mga anak ko ay suko na sa iresponsable nilang tatay na inuubos ang perang pinapadala ko sa pagsusugal niya. Nag-iisip na akong mag-file ng divorce na tutulungan ako ng kapatid ko rito sa Canada. Hindi ko pa masabi sa mister ko dahil nag-aalala ako sa puwede niyang gawin sa mga anak ko. Anong bang gagawin ko? – Lelia

Dear Lelia,

Kausapin mo na ang mister mo baka magising sa kanyang pinaggagawang mali. Bigyan mo ng ultimatum kung ayaw niya mawala ka sa buhay niya. Kausapin mo rin ang iyong mga anak na tulungan at paalalahan ang tatay nila. Baka sakaling matauhan si tatay sa dapat niyang responsibilidad sa inyong pamilya.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments