Pagkain para sa mga nagdidiyeta

Hindi madaling magbawas ng timbang dahil bukod sa sapat na pag-eehersisyo, kailangan din natin kumain ng tama at balanse.

Narito ang ilang pagkain na makakatulong sa iyong mas mabilis pagpapapayat:

• Oats – Mayaman sa fiber ang oats, dahil diyan madali kang mabubusog at hindi gaanoong gugutumin. Pwede itong gawing agahan hapunan.

• Brocolli – Hitik sa fiber at protein ang gulay na ito na mabibili sa murang halaga sa mga palengke.

• Cabbage – Ang cabbage o repolyo ay sagana sa bitamina gaya ng Vitamin C na mainam na pampalakas ng ating resistensya.

• Lettuce – 60-70 calo­ries lang ang kalahating kilo ng gulay na ito na bagay na bagay sa mga nagda-diet. Pwede itong gawing salad o ihalo sa mga putaheng iyong lulutuin. Mas sagana sa nutrients ang lettuce na violet ang kulay.

 

Show comments