Kung gustong lumago ang sariling pera may simpleng strategy na dapat gawin.
Bantayan ang iyong pera na bawasan ang paggastos na hindi kailangan.
Maagang mag-ipon hanggang maaari. Samantalahin ang pagkakataon magbukas agad ng savings account para makapagtabi ng pera. Dahil kung mayroong goal ay idederetsong itatabi agad ang pera.
Maganda rin ang idea na sumasali sa mga savings sa mga opisina. At least automatic na maihuhulog agad ang iyong pera bago pa umalis ng opis. At least nauna ang iyong pag-iipon. Nakapag-iipon ka na ay umiikot din kahit paano ang iyong pera.
Sinasabing bayaran muna iyong sarili o paying yourself first na ibig sabihin ay ang priority na makapag-ipon bago i-budget ang ibang gastusin.
Kung mayroong goals na makapag-ipon ay mapaaalalahanan na magtipid kaysa rumampa sa mga sales na tiyak na mapapagastos.