* Siyempre iba ang effect kapag personal na kasama at kausap mo ang dyowa mo. Dahil mas makikilala mo ang pagkatao niya. Kaysa sa LDR lalo na sa mga chat room mo lang nakilala na madalas nambobola at scam yan. Hindi ko pinangarap na maging biktima ng LDR kuno pero paasahin ka lang sa wala. – Nini, Malabon
* Yun ngang magkasamang mag-asawa ay naghihiwalay dahil hindi malabanan ang tukso sa paligid. What more kung LDR kayo? Huwag na lang, mas gusto kong nakikita, nakakausap, at kalambingan ko ang BF ko noh. – Malou, Negros
* Marami namang kuwento na naging successful ang LDR sa simula basta may goals na magsasama kayo. Hindi yung ilang taon na ang lumipas sa LDR ninyo aba eh lokohan na yan. Ibig sabihin wala talaga siyang plano para sa iyo. – Jax, Batangas
* Uso na ngayon ang LDR lalo na sa mga taong busy na walang time para sa dyowa. Effective walang hussle. Hanggang sa time na mag-meet kayo na mas masaya dahil sobrang na-miss ninyo ang isa’t isa. – Lotie, Davao
* Mahirap din ang LDR, pero wala kaming choice ni mister dahil kailangan niyang magtrabaho sa ibang bansa. Mas madali na ngayon ang LDR dahil anytime at kahit saan puwede mo nang makausap ang asawa mo. Nung araw isang buwan bago dumating ang sulat. Mahal din ang telepono dati. Ang ending hindi naging healthy ang relasyon namin dahil sa marami kaming hindi napapag-usapan ng mister ko dati na nauuwi sa hindi pagkakaintindihan. Pero ngayon, okey lang ang LDR basta ba para sa dream ninyong mag-asawa at sa ikabubuti ng mga bata. – Miles, Tondo