Isinugod sa ospital ang isang binatilyong hiker matapos niyang umakyat sa bundok ng Mourne sa Northern Ireland kasama ang grupo. Sa kanya kasi bumagsak ang isang tupa na dapat ay tatalon sana pero sa halip, ito ay nagkamali at nadulas.
Agad namang nakatawag ng rescue at binigyan ng first aid ang binatilyo, nagtamo ito ng possible head, neck, back, abdomen, and leg injuries.
Maingat siyang naibaba sa nasabing bundok gamit ang isang stretcher, habang ang kanyang mga kaibigan naman ay naiwan sa bundok para ipagpatuloy ang pag-akyat.
Samantala, pagkatapos bumagsak ng tupa sa binatilyo, tumayo lang ito na parang walang nangyari. Walang bali o galos man lang at lumakad palayo.
Kasalukuyang nagpapagaling na ngayon sa ospital ang binatilyo dahil sa injuries na natamo nito.