American horseshoe crab
Ang American horseshoe crab ay isa sa pinaniniwalaang pinakamatandang hayop sa mundo. Dahil dito ay madalas din itong tawaging “living fossil.”
Halos 445 million years ago pa raw noong unang mamuhay sa mundo ang hayop na ito.
Kahit matagal na silang naninirahan sa mundo ay halos hindi raw nagbago ang kanilang anyo. Ang kanilang life span naman ay umaabot hanggang 20 years.
Horseshoe crabs man sila kung tawagin pero hindi raw sila kabilang sa pamilya ng mga crabs o talangka. Mas malapit daw nilang kamag-anak ang mga gagamba at scorpions kumpara sa crustaceans tulad ng alimang at hipon.
Ang kanilang matulis na buntot na kung tawagin ay telson, ang ginagamit nilang pangkampay kaya walang dapat na ikatakot sa nilalang na ito.
Mayroong apat na species ang horseshoe crabs.
- Latest