Marami nang nagbago sa panahon ngayon at isa na rito ang paggamit ng make up. Kung dati ay kababaihan lang ang gumagamit ng kolorete sa mukha, masasabing normal na lang ngayon sa South Korea o maging sa ibang bansa ang mga lalaking nagmi-make up o kung tawagin ay vanidoso.
Kinababaliwan at hinahangaan din ngayon ng maraming Pinoy ang mga sikat na Korean superstar kahit alam nila na ang mga ito ay mahilig maglagay ng make up.
Ayon naman sa ilang Korean na lalaki, nagsimula raw ang kanilang pagiging vanidoso nang sila ay pumasok sa mandatory military service ng dalawang taon dahil doon nila nakita ang kahalagahan ng makinis at malinis na kutis dahil babad sila sa araw, nagkakasugat dahil sa training, at iba pa.
Ilan sa produktong ginagamit ng mga lalaki sa Korea ay ang BB cream, isang all-in-one na produkto na mayroon nang primer, foundation at proteksyon sa araw.