Tourist Spot na Sementeryo

Samu’t saring katatakutan na ang naiisip ng mara­ming Pinoy kapag ang lugar na sementeryo ang pinag-uusapan. Bukod kasi rito inilalagak ang mga mahal natin sa buhay na namayapa na, marami ring kakambal na hiwaga para sa ilan ang lugar na ito.

Pero naisip n’yo ba na ang kinatatakutang semen­teryo ay “tourist spot” kung ituring sa ibang bansa? Narito ang ilan sa mga sementeryong madalas bisitahin ng mga turista dahil sa maganda nitong view:

Okunoin – Ito ang pinakamalaking semen­teryo sa Japan. Parte rin ito ng Unesco Heritage site. Feel na feel ang katahimikan sa lugar na animo’y nasa gitna ng gubat na perfect sa mga bumibisita sa mga patay.

Merry Cemetery – Matatagpuan ito sa Romania. Isa ang nasabing sementeryo sa pinakasikat na tourist spot sa nasabing bansa. Hindi dahil sa mga sikat na nakali­bing dito kundi dahil sa kakaiba nitong disensyo. Bawat grave ay may kakaibang disenyo at ispesyal na verse na nakaukit sa kulay asul na semento.

Cimetière du Père Lachaise – Ang semen­teryong ito sinasabing may pinakamaraming bisita kada-taon. Ele­gante ang disenyo at animo’y pasyalan ang semen­teryo dahil sa puno ay daanan nito na klasiko ang dating. Dito rin naka­lagak ang ilang sikat na personalidad.

Show comments