Sampung buwan palang kasal ang mag-asawang R. L. Alford at Hilda na taga-U.S habang nagmamaneho papuntang simbahan nang biglang mahagip ng ambulansiya ang kotse nila sa intersection. Ang driver ng navy car ay nagtamo ng minor injuries, pero ang misis niya ay tumilapon na nagkaroon ng massive head injury na naging quadriplegic na dahilan upang mabulag at hindi na makapagsalita.
Pagkatapos ng 50 years na puro tango lamang ng ulo ang sagot ni misis sa kanyang mister. Fifty years din ang pagtulak sa kanyang wheelchair at pagbuhat ni mister sa kanyang braso upang kargahin si misis. Sa huling mga taon ay pinapakain si misis ni mister sa pamamagitan ng tracheal tube at natutunan din nitong ikabit ang catheters sa asawang babae. Taun-taon ay nagre-renew ng vow ang mag-asawa na sinasabi ni mister nang malakas ang katagang “for better or worse” na naririnig ng mga kapitbahay. Medically ay himalang buhay pa si misis. Pero hindi siya buhay dahil lamang sa gamutan ng mga doktor, kundi sa biyaya ng Diyos at ibinibigay rin ng kanyang mister ang buhay nito kay misis.
Noong September 2006 ay nagdiwang ng kanilang golden anniversary ang mag-asawa na inaalala ang mahirap nilang pinagdaanan, pero sinisigurado ni mister na ito ay worth it at rewarding. Limampung taon na hindi iniwan ni mister ang kanyang misis. Nawa’y lahat ng mga pangako sa isa’t isa ng mag-asawa ay magtagal din habang buhay. Ano kaya ang magagawa para sa isa’t isa kapag mayroong hindi inaasahang pangyayari sa buhay ng mag-asawa? Mangako rin sana sina mister at misis na magkaroon sila ng forever sa kabila ng kahit anong dumating na pagsubok sa kanilang pagsasama.