Ayaw pakasalan ang ka-live-in na ‘di magkaanak
Dear Vanezza,
Tatlong taon na kaming magka-live ng mister ko, pero wala pa rin siyang balak na pakasalan ako. Katuwiran niya ay para raw wala kaming problema kapag naghiwalay kami. Ang duda ko ay dahil hindi ako mabuntis na gusto pa naman niyang magka-baby na. Paano kung hindi na ako magkaanak dahil 43 years old na ako? Hindi na ba siya magpapatali sa akin? – Jelen
Dear Jelen,
Kung wala talaga siyang balak na pakasalan ka, bakit ka magtitiyaga? Tanungin mo siya kung anong plano niya kaysa maghintay ka sa wala. Puwede rin magpaalaga sa doctor sa problema mo sa iyong sitwasyon dahil marami na ngayong solusyon para magkaanak. Upang malaman kung sino ang totoong may derepensiya sa inyong dalawa. Saka magdesisyon kung ano ang balak ninyo sa inyong binubuong pamilya.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest