Hayaan ma-involve ang anak na kumilos sa inyong kusina. Hindi lang ito matuto kung paano magluto, makatutulong din na ma-enhance ang math at motor skills ng mga anak.
Ipakita lamang na walang dapat ikatakot ang mga bata sa pagluluto. Bagkus kapag kasama ang anak sa kitchen ay maraming benepisyong karanasan ang kanilang makukuha. Pagdating sa pagluluto, kahit ang malilit na bata ay hayaan makigulo na isang paraan upang mahimok sila na tumikim ng pagkain lalo na yung mga maseselang anak.
Ang totoo, lahat ay dapat matutunan na magluto kahit bata pa sa murang edad. Ang mga bata na maagang expose na tumutulong sa kusina ay mas nagiging healthy sa pagpili ng kanilang kinakain. Maaaring hindi pa handa ang anak na maghanda ng niluluto, pero puwede silang bigyan ng walang laman na kawali o sandok na puwedeng paglaruan parang mag-pretend ito na tumutulong sa kusina.