Unlimited na pagloloko ng asawa

Ang taong naging cheater minsan ay mas tatlong beses na dobleng unfaithful sa susunod na relasyon nito ayon sa research.

Maraming tao ang paulit-ulit na nagloloko sa kanilang partner.

Ayon sa pag-aaral, halos 44% ng tao ay cheater kahit sa kasalukuyan niyang relasyon. Mahigit one-third ay sinasabing alam nilang hindi naging tapat ang kanilang partner sa kanilang pagsasama.

Ang lalaki at babae ay parehong patas na niloloko o nagloloko. Sa mga naloko na ay dapat maging alerto sa mga signs sa pang-apat na beses na suspetsa ng kasalukuyan nitong ka-partner.  Kung may history na ng infidelity mas malaki ang tsana na gawin pa ito ng unlimited na paulit-ulit. Kaya lumalakas din ang pagiging suspetsa ng mga misis na kabisado na ang palusot.dotcom ng mga babaerong mister.

Pero huwag mag-alala dahil hindi laging totoo ang kasabihan na “once a cheater is always a cheater”.

Mayroon din mga lalaki na nagbabagong buhay na natututo sa kanilang pagkakamali. Pagkatapos masaktan ang kanilang misis, anak, at pamilya. Lalo na kung taos puso rin silang pinatatawad nang minsan silang madaya sa inaakala nilang ganda at kaseksihan ng ibang babae. O sa pambobola ng mga sinungaling na mga lalaki.

Show comments