Panlinis ng ihawan

Walang dudang mahilig ang mga Pinoy sa ihaw-ihaw. Paborito natin itong ipang-meryenda, ipang-ulam, at paborito rin sa tuwing may outing.

Marami kasing puwedeng ihawin, karne, gulay, seafood, at kung anu-ano pa. Pero ano nga ba ang dapat gawin ‘pag marumi at hindi nilinis ng hu­ling gumamit ang inyong ihawan? Idagdag pa na nawawala ang grill brush.

Simpleng tip lang ‘yan. Dahil gumagamit din tayo ng aluminum foil ‘pag nag-iihaw, maaari itong gamiting panlinis sa ihawan. Kumuha lamang ng kapirasong aluminum foil at ikuskos ito sa ihawan. Maniwala kayo’t sa hindi, madaling matatanggal ang mga namuong sunog at iba pang particles na inihaw ng nakaraan gumamit nito.

Kaya ‘wag mag-alala kung mawala man ang grill brush dahil to the rescue ang aluminum foil.

Show comments