Madaling mahawa ng alipunga, ang problema minsan ay mahirap itong tanggalin o gamutin.
Sa malas kapag pinagwalangbahala at napabayaan ay mas lalala ang fungal na kailangang makita ng doktor.
Mayroong home remedies para makaiwas sa alipunga:
1. Bumili ng antifugal powder, cream, o spray sa over-the counter.
2. Huwag babalatan ang nalalapnos na balat.
3. Huwag magtatapak sa publikong lugar gaya ng gym o pool.
4. Panatilihin malinis o tuyo ang paa at lagyan ng foot powder.
5. Magsuot ng synthetic sock na nakakahinga ang paa.
6. Huwag mag-share ng sapatos, medyas, o tuwalya
7. Kung may alipunga labhan ang medyas sa mainit na tubig.