Pineapple juice sa tag-ulan

Tag-ulan na naman. Sa ganitong mga panahon, mas mataas ang tyansa na dapuan ng ubo ang mga tao.

Pero may mas mabisang gamot para sa ubo kumpara sa mga cough syrup. Ito ang pineapple juice. Ito ay sinasabing 5 times na mas mabisang gamot para sa ubo. Bukod pa riyan, natural ito at nakakatulong din sa pag-iwas na magkaroon ka ng sipon at lagnat.

Ayon sa isang pagsusuri sa India na lumabas sa Natural News, mas epektibo raw ito kung haha-luan ng asin, paminta, o honey.

Ang pinya ay nagtataglay ng magnesium at manganese na nakakapagpalakas ng immune system. May enzyme rin itong bromelain na tumutulong para makatanggal ng pamamaga. Kaya sa susunod na magkaubo kayo, subukan n’yong uminom ng natural pineapple juice.

Show comments