•Citrus – Magandang pagkunan ng Vitamin C ang citrus fruits tulad ng calamansi, lemon, oranges at iba pa. Nakatutulong ito upang mabawasan ang cholesterol at uric acid sa ating dugo. Nakakatulong ito para maiwasan ang circulatory problems, heart conditions, at sakit gaya ng gout na pasakit sa mga matatanda.
•Avocado – Marami ang nagsasabi na nakakapagpataba ang Avocado dahil sa mataas na fat content nito. Pero katunayan, ang fats na makikita sa Avocado ay healthy. Nakakapagpababa rin ito ng cholesterol basta’t tamang dami lamang ang inyong makokonsumo. Mataas din ang taglay na vitamin C, potassium, antioxidant at mayaman sa folic acid.
•Berries – Ang mga prutas na strawberries, blackberries, blueberries, grapes ay mayaman sa antioxidants properties na siyang responsable upang mapabagal ang pagtanda ng ating hitsura. Ayon sa mga pag-aaral, nakakapag-improve ng cognitive abilities ang berries at makatutulong ito para makaiwas sa Alzheimer’s at Dementia.