Maraming gustong pumayat kaya nagda-diet. Iba’t iba ang paraan upang makabawas ng timbang. Lahat ay epektib na depende sa iyong will power. Kung mahina ang iyong determinasyon, matatalo ka ng iyong gutom at susukuan ang pagda-diet.
Narito ang sikat at epektib na diets ayon sa mga experts.
Vegetarian diet - May iba’t ibang klase ng vegetarian: lacto-vegetarian, fruitarian vegetarian, lacto-ovo vegetarian, living food diet vegetarian, ovo-vegetarian, pesco-vegetarian, at semi-vegetarian.
Basically, mga gulay at prutas lang ang kinakain kapag naka-vegetarian diet ka. Walang karne.
Karamihan sa vegetarians ay lacto-ovo vegetarians na ibig sabihin, hindi kumakain ng animal-based foods, maliban sa mga itlog, dairy, at honey.
Base sa mga pag-aaral nitong mga nagdaang taon, mababa ang body weight ng mga vegetarians, bihirang magkasakit at mas mahaba ang buhay kumpara sa mga taong kumakain ng karne.