Takot bilang blood donor
Bahagi na ng Star Media group companies ang mag-donate ng dugo sa Red Cross bilang bahagi ng taunang anibersaryo ng Philippine Star. Sa loob ng 21 years ko bilang empleyado ng opisina ay lagi rin akong reject na hindi makapasa sa screen test ng Red Cross. Lagi akong low blood, under weight, o may sakit pero never akong tumigil na sumubok kung paano ba ang feeling ng mag-donate ng dugo. Ginawa ko pang motivation ang makakuha ng magandang T-shirt na give aways dahil takot ako sa karayom, dugo, at bumaba na rin ang tolerance ko sa pain sa limang iba’t ibang klase ng operasyon na ang pinagdaanan ko.
Finally, ngayon taon ay nakapasa ako sa screening test pagkatapos ng mahigit dalawang dekada. Kinabahan ako at napakain ng wala sa oras bago ako kunan ng dugo. Pero wala naman pala akong dapat katakutan at hindi rin dapat kabahan. Hindi naman pala masakit at saglit lang. As in 10 minutes lang na hindi ko namalayan na tumunog na ang machine na mas matagal pa yung nirampa ko pa akyat at baba sa nerbyos ko. Surprisingly wala rin akong naramdamang hilo after ng pagkuha ng isang bag ng dugo sa akin.
Nakasagip buhay ka na bilang donor; marami pang medical na benepisyo ang nakukuha gaya ng gumanda na ang tulog ko.
- Latest