Importante na turuan ang mga anak na magkaroon ng tibay ng loob. Ang katatagan ng kalooban ay disposisyon na nakukuha sa long terms goals na inaasam. Kasama na ang sipag, pagtitiyaga, pagiging masigasig, at stamina. Kung mayroong tibay ng dibdib ay makikita ang kaibahan nito sa pamamagitan ng high achiever at hindi matagumpay na tao. Mas higit na importante sa tagumpay ang pagkakaroon ng intelligence kaysa sa panggagaya lamang ng talent sa ibang indibidwal.
Ang isang paraan ng pagtuturo sa bata nang lakas ng loob ay mula sa pag-share ng disappointments at frustation na naranasan ng magulang. Pero hindi ito naging hadlang upang magpatuloy sa pangarap sa buhay. Sa kalaunan ang mga kabiguan ng bata ay magsisilbing aral ng anak na babaunin nito upang tumibay ang kanyang kalooban.