Buttered Shrimp
Marami sa atin ang may paborito ng hipon.
Gustung-gusto natin ang iba’t ibang luto nito gaya ng sinigang na hipon, sizzling gambas, at ang pinakamadaling lutuin sa lahat, ang buttered shrimp.
Simple lamang ang dish na ito pero ang kaibahan nito sa mga nakasanayan na nating buttered shrimp, wala itong softdrinks at lemon.
Ingredients:
• Kalahating kilo ng hipon/sugpo
• Tatlong kutsara ng butter
• Maraming bawang
• Oyster sauce
• Kalahating tasa ng tubig
• Asin at paminta
Unang igisa sa butter ang bawang, huwag itong i-overcook. Sunod na ilagay ang oyster sauce at tubig. Kapag kumukulo na ay maaari nang ilagay ang hipon at iluto hanggang mag-iba na ang kulay ng hipon. Maglagay ng asin at paminta depende sa panlasa.
Perfect itong kapartner ng mainit na kanin.
Kung mahilig sa maanghang ay pwede rin itong lagyan ng isa hanggang dalawang piraso ng siling labuyo.
- Latest