Kinakailangan ng tamang haircare routine para mapanatili ang kagandahan ng ating buhok habang tayo ay tumatanda.
Paraan din ito upang tayo ay makaiwas sa common hair issues tulad ng split ends, maagang pagputi ng buhok, at balakubak.
Hindi lamang ang paggamit ng mamahaling produkto na para sa buhok ang makatutulong para sa pagpapaganda nito kundi maging ang mga sumusunod:
Isa sa diet ang dairy products tulad ng itlog, butter, yogurt, cheese, at gatas, whole grains, at gulay.
Bawasan ang mga produkto na nagri-release ng init tulad ng hair-dryers, plantsa ng buhok, at curling iron.
Protektahan ang buhok sa direktang init ng araw sa pamamagitan ng paggamit ng sombrero.
Nakatutulong din ng malaki ang paggamit ng hair masks lalo na ‘yung may itlog dahil isa ito sa pinakasimpleng paraan para maalagaan ang buhok. Ilagay ito sa buhok ng isang beses kada-linggo.