Ang pagbibigay ng tamang pagkain sa anak ay importante upang maging smart ang bata.
Pakainin ng proper nutrition ang mga babies, ito ay simulan habang buntis pa lamang. Sa mas nakatatandang bata ay ibigay naman ang protein-rich diet gaya ng itlog, isda, at karne na nagpapa-improve ng kanyang attention, alertness, at pag-iisip.
Ang carbohydrate ay nagbibigay ng fuel sa kanyang brain upang makapag-isip ito. Ang pinakamagandang pagkain ay mula sa whole grain, gulay, at mga prutas.
Samantalang ang mga processed carbohydrates at sugar ay mayroong masamang epekto sa attention span, pagpokus ng ability, at activity level ng bata.
Ang vitamins at minerals ay importante rin sa kalusugan ng mga anak. Upang panlaban ng kanilang katawan sa bacteria at sakit sa paligid.