Ang minor leak mula sa bubong ay maaari nang ma-repair kahit hindi na kailangan ang professional na tulong. Kailangan lang malaman ang problema kung ang damage ay flat, shingle, wooden shake roofs, o baka sira na ang gilid ng tubo na nakaangat na ang paligid kung kaya rito pumapasok ang tubig. I-check ang sira sa roofing material kung saan nanggagaling ang tulo.
Ngayong tag-ulan ay lumalambot na ang balat na tinapal sa bubong kahit pa ito ay semento.
Huwag nang magpakahirap sa tulo ng bubong kung ito ay sa gilid ng pader na semento. Kapag natuyo na ang bubong sa sikat ng araw saka samantalahin na ayusin. Bumili lang ng isang gallon ng Flexi bond o isang 1 liter, 5 kilo ng cement (depende sa lawak ng bubong), at number 3 na brush.
Linisin ang paligid. Timplahin ang cement saka ilagay sa buong paligid ng bubong. Saglit lang ay puwede nang isunod na ipahid ang flexi bond.
Prente na kahit dumating pa ang susunod na bagyo ay hindi na mangangambang tutulo ang paligid ng bahay.