Isang babae sa South Korea ang nagreklamong nakaramdam daw siya diumano ng sakit sa loob ng kanyang bunganga at gilagid.
Nagpasya siyang ipatingin na ito sa doktor at laking gulat niya nang makitaan siya ng 12 na itlog na hugis parihaba.
Na-identify ang nasabing itlog bilang squid spermatophores na nanggaling sa flyid squid o Todarodes pacificus.
Inamin ng nasabing babae na nakakain siya ng undercook na pusit noong nakaraang linggo, pinakuluan niya lang raw ito ng ilang minuto sa pag-aakalang mamamatay ng ganun lang ang nasabing lamang dagat, hindi rin niya inalis ang lamang loob nito. Ang creature na ito ay madalas maghanap ng mga malalambot na lugar para maglabas ng sperm at nagkataong sa bunganga ito ng babae nailagay.
Hindi alam o hindi sigurado ng mga parasitologists kung papaaano nagawa ng pusit na makapag-iwan pa ng mga itlog gayung nginunguya na siya.
Ayon sa Pathology International, nangyari na rin ang kakaibang sitwasyong ito sa isang babae naman sa Japan sa kadahilanang kumain din daw ito ng hilaw naman na pusit.
“The right fourth arm of a mature male Todarodes pacificus serves as the genital organ of the animal. Using this arm, the squid grabs the sperm bag that comes out from its penis and presses it against a female’s body.
“Consumption of a squid with sperm bags and an active ejaculatory apparatus can lead to unintended ejection of the sperm bag and injury to the oral mucosa,” pagbabahagi ng isa sa mga dalubhasa.
Mahalagang ugaliin nating suriin ang ating mga kinakain bago lunukin, siguraduhing malinis ito at maayos ang pagkakaluto. Kung kayo naman ay mahilig sa raw food, siguraduhin lamang na natanggal na ang mga parte na hindi naman talaga dapat kinakain upang maiwasan ang mga pangyayaring ganito.