1. Pasok sa listahan ang mga daga na madalas nakikita sa bahay. Peste kung ituring ng karamihan ang mga dagang ito, mahilig kasi itong mangatngat ng mga gamit at manira ng kung anu-ano. Isang taon lang ang itinatagal ng mga dagang ito. Akalain niyo bang ang nakikita niyong dagang kasing laki ng pusa ay isang taon lang?
2. Isang taon lang ang buhay ng panther chameleon. Ito ang may pinakamaikling buhay sa mga reptile. Native ang hayop na ito sa bansang Madagascar.
3. Mayroong limag libong species ng dragonflies sa mundo.
Ang magandang tutubi sa damuhan ay apat na buwan lang ang buhay. Ngunit karamihan ng klase ng mga tutubi ay mas maikli lamang ang itinatagal dahil kadalasan, sila ang paboritong pang-laman tiyan ng mga gagamba, ibon, butiki at palaka.
4. Tumatagal ng apat na linggo o isang buwan ang pinakanakakairitang insekto sa ating bahay – ang mga langaw. Mas matagal pa nga ang buhay ng mga ito kung ito ay naninirahan sa ating mga bahay, lansangan, o estero kesa sa gubat.
Habang nabubuhay, kayang manganak ng 1000 itlog ang isang langaw.