Biktima ng illegal recruiter

Maraming Pinoy ang nabibighani na magtrabaho sa abroad. Ang mali nga lang ay nabibiktima ng panloloko ng mga illegal recruiter na nabola sa mga pangakong malaki ang benepisyo at sahod sa ibang bansa.

Dapat malaman na kapag undocumented worker ay malaki ang risk na kadalasan ay nauuwi sa wala ang pinaghirapang pera at effort ng isang indibidwal.

Dahil ang workers ay nalilimitahan ang paghingi nila ng tulong at proteksiyon sa embassy ng gobyerno. Ang violators ng immigration law bilang undocumented worker ay hindi matatawag na abiding law  citizen. Kung kaya hindi rin niya nai-enjoy o makuha ang  mga rights ng ibang workers na mayroong tamang visa, job orders, at ibang dokomento.

Sila rin ang pinagsasamantalahan ng mga emplo­yers gaya ng binibigyan ng mababang sahod, naaabuso, at walang ibang privileges. Sa oras ng kagipitan ay hindi sila makapagsumbong sa authorities sa takot na ma-deport pabalik ng bansa, makulong, at patungan ng penalties.

Ang mga overseas Filipino workers na nakipagsapalaran sa ganitong kaso ay napipilitang magtiis, magutom, o kaysa mahuli ng mga autoridad. Ang ilang undocumented na Pinoy ay napapabilang sa TNT - tago nang tago. Kung hindi sila member ng OWWA o dumaan sa POEA ay hindi nakatatanggap ng protection, insu­rance, at ibang assistance na kailangan ng isang OFW.

Show comments