Pabor ka ba sa anti-tambay drive?

* Buti nga! Pasalamat na tumahimik ang lugar namin. Luminis ang kalye at wala nang sigang mai­ngay na naglalasing sa gitna ng kalye.  Wala na rin adik.  Nabawasan na rin ang mga nagsisigaril­yo. Masisipag yung ba­rangay namin na mag-ikot at paalalahanan ang mga tao lalo na ang kabataan. -  Jen,  Molino 4

*Huwag naman ikulong. Bigyan na lang sila ng community service. Tambay na nga, ikukulong pa. Huwag ganun. Bigyan sila ng trabahong puwede nilang aplayan. Encou­rage sila maging  busy sa community nila na puwedeng pagkakitaan. Turuan o bigyan sila ng seminar.- Mare, Manila

* Maganda yung mo­t­ibo ni Digong.  Pero da­pat bigyan natin  ng ma­gandang plano at implementasyon. Malaki ang ma­gagawa ng mga local gov’t.  Kung magkaroon sila ng statistic o listahan sa mga barangay nila ng mga taong out of school youth, walang trabaho, at tambay. Magkaroon ng seminars, job fairs, lecture, o training para sa mga mamamayan natin.  Magtulungan ang community at local ba­rangay kung paano magi­ging productive ang mga tao at hindi maging tambay. - Jones, Parañaque

* Tama yun na paa­lalahanan ang mga tao na maging masipag at huwag maging tambay. Dahil  ang “An idle mind is the workshop of the devil,” sabi ng Bible.  Para tuluyan nang mawala ang inuman sa kalye na istorbo sa daan. Specially yung mga kabataan na ipamulat sa kanila ang maging busy. Para mawala na rin ang riot o krimen. Hindi katuwiran na walang mahanap na trabaho. Eh magnegos­yo gaya ng pagtitinda. Kaysa pabigat pa sa pamilya at lipunan. – Lyka, Makati

* Huwag pong ikulong please. Ipa-report na lang uli sa barangay o police na hindi na sila magta­tambay sa kanilang lugar.  Hindi naman krimen ang pagiging tambay. Para mag­silbing wake up  call sa lahat na marami pa silang puwedeng gawin. Kaysa sa pagtatambay lang. – Jessica, Manila

 

Show comments