Recycle ng mga plates

Kadalasan ang lumang baso,  plato, o ibang babasa­ging pinaglumaan na ng panahon ay tinatapon na lang. O itinatago na sa loob ng kabinet. 

Mayroon pang igaganda ang kupas na mga babasa­ging gamit. Kung inaakalang puwede nang itapon ang glasswares, wait muna. Puwede itong pinturahan na lagyan ng iba’t ibang design at pagkatapos ay maaaring gawing dekorasyon bilang pag-recyle ng mga inaakalang basu­rang nang gamit.

Maaaring isabit na lagyan lamang pandikit sa likod na siguraduhing safe na hindi basta mahuhulog.  Puwedeng magsilbing lagayan ng ballpen ang mga baso, resibo, at ibang items. Ang mga plato ay gawing design sa wall o cabinet. Maaari ring gawing patungan ng mga paso, sa kusina, banyo, at kuwarto.

Maging creative lamang sa pagbabagong design ng iyong glasswares bilang good as new na hindi aakalain pinaglipa­san na ito ng panahon.

 

Show comments