Oras na para dagdagan ang mga paborito nating hayop na na-perfect na ang art of camouflage o ‘yung pagtatago.
Kilala rin bilang wrap-around spider, ang dolophones ay isang uri ng gagamba na matatagpuan sa Australia at Oceania.
Mayroon itong 17 species na kilala sa kanilang pagtatago at kakayahang mag-blend sa iba’t ibang uri ng sanga.
Karamihan sa wrap-around spider ay maihahalintulad sa talangka ang hugis ng katawan. Mukha rin itong inverted disk na siyang dahilan para mabilis itong makapulupot sa sanga para magtago.
Kapag pumatak na ang gabi ay saka sila nagiging aktibo at gumagawa ng sapot.
Nakakatakot nga sakaling kumapit ka sa sanga ngunit gagamba na pala ang iyong nahawakan ngunit walang dapat ipag-alala dahil hindi naman ito nakalalason.