Tama ba ang ginagawa mo?

Natalakay na natin ang pagiging hygienic pagdating sa pakikipag-sex.

Ngayon ay pag-usapan natin na kailangang ma­ging honest.

Kung nahihiya sa iyong sexual past, kung nagkaroon na ng infection o mayroong infection, mas makabubuti kung magi­ging tapat sa iyong partner. Dapat priority mo ang iyong safety at ang safety ng iyong partner.

Kung mayroon kang STD, siguraduhing magpatingin sa pinagkakatiwalaang doctor para sa treatment. Alamin ang iyong limitasyon sa pakikipag-sex upang hindi makahawa. Siguraduhing magsabi ng totoo sa iyong partner pati sa iyong doctor upang mabigyan ka ng tamang treatment.

Kailangang malaman ng doctor kung ilan ang iyong sex partner, mga sintomas na nararanasan, kung ano ang iyong ginawa at iba pang bagay na dapat malaman ng doctor.

(Itutuloy)

Show comments