Maraming mag-asawa ang nakararanas na madismaya sa love pagkatapos ng kasalan. Mula sa honeymoon ay nagiging impiyerno na ang buhay. Namumulat na sa maraming realidad ng isyung kinakaharap. Nagkakaroon na ng hindi pagkakaunawaan at pagkakamali. Sa kahit anong punto ng buhay, hindi nawawala ang pagkadismaya sa buhay ng mag-asawa. Maging sa peak ng romance at oneness ng mag-partner. Kaya kailangan ang level ng hard work sa mga hindi inaasahan, pero talagang require na paghirapan sa isang relasyon. Ito ang mga panahon nadidiskubre sa sarili na wala nang love. Pero mas higit na pagtrabahuan na magkaroon ng mas malalim na unawaan at compassion mula sa inyong commitment at sinumpaan.
Kapag nadidismaya at nawawalan ng kulay ang love, hindi ibig sabihin ay susuko na. Dapat makita pa rin ang halaga ng iyong misis o mister hindi sa sariling love kundi sa harap ng Panginoon na nagbubuklod sa mag-asawa. Maging bukas na pag-usapan ang iyong problema at i-share ang bigat ng nararamdamang pagkadismaya. Magkaroon ng matapang na commitment kahit sa panahon na wala na ang love, pero manatili pa rin ang respeto sa isa’t isa.