Normal sa magkakaibigan ang alalahanin ang isa’t isa. Tiyak na ito ang sigurado saan mang panig ng mundo, ngunit sa bansang Denmark, may kakaibang tradisyon ang magkakakaibigan.
Kapag tumuntong na ang edad mo sa 25-anyos at nananatili ka pa ring single, sa mismong araw ng iyong kaarawan ay paliliguan ka ng iyong mga kaibigan ng cinnamon.
Ang cinnamon ay may matapang ngunit mabagong amoy kaya naman kahit ilang ligo na ay tiyak na mamamahay pa rin sa iyo ng nasabing amoy.
Ang amoy na iyun ay magsisilbing signal sa mga kapwa niya single na siya ay available pa at pwedeng mai-date.
Nagsimula ang tradisyon na ito noong Middle Ages.
Sa sobrang busy raw kasi ng mga tao noon sa pagbebenta ng mga spices ay huli na silang nakapag-asawa.
Kaya kung ang isang tao ay amoy spices tulad ng cinnamon, isa itong senyales na siya ay wala pa ring nobyo/nobya.